Pagkarating ng assistant sa gate, nakita nito si Lu Jinnian na may kinalkal sa basurahan at parang may hinahanap…
Kahit pa araw-araw na nililinis ang basurahan sa Mian Xiu Garden, hindi pa rin maiiwasang magkaroon ito ng hindi kanais nais na amoy.
Natigilan ang assistant sa nakita nito bago ito dali-daling lumapit kay Lu Jinnian habang nakatakip ang ilong. "Mr. Lu, madudumi rito. Ano bang hinahanap mo? Tatawag nalang ako ng tao para hanapin yun para sayo…"
Hindi sumagot si Lu Jinnian, na para bang hindi niya narinig ang sinabi ng kanyang assistant, at nagpatuloy lang siya sa pagkalkal ng basurahan. Ilang sandali lang ay nanliwanag ang kanyang paningin nang makita niya ang isang kulay itim na plastic bag.
Umatras ang assistant habang pinapanuod nito si Lu Jinnian na binubuksan ang plastic bag at halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan nito sa sobrang gulat.
Ang plastic bag ay may lamang sirang cake, kung saan ang butter cream nito ay nagkalat sa loob ng bag. Mayroon ding makikitang mga pumutok na lobo sa loob at hindi maitatangging napaka'sangsang talaga ng amoy nito.
Hindi makapagsalita si Lu Jinnian. Pagkatayo niya, parang sasabog sa kanyang buong katawan ang sobra sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso at nginginig ang kanyang buong katawan habang hawak ang plastic bag.
Hindi alam ng assistant kung ano ang nakita niya, pero alam nito na may problema. Nanatili itong tahimik sa kinatatayuan nito, na parang kahit paghinga ay hindi nito ginagawa.
Hindi makagalaw si Lu Jinninan at matagal siyang nanatili sakanyang posisyon bago niya pilitin ang kanyang sarili na ikurap ang kanyang mga mata. Nakatingin lang siya direksyon ng basurahan habang iniisip kung ano ang itsura ng cake bago ito itinapon. Matapos ang ilang sandaling pananahimik, muli niyang ikinurap ang knayang mga mata at ibinalik ang plastic bag sa basurahan. Mabilis siyang naglakad pabalik ng bakuran at nilampasan niya lang ang kanyang assistant na para bang wala ito roon.
Pagkakita sakanya ni Madam Chen na muli siyang papasok ng bahay, nagmamadali itong bumati sakanya "Mr. Lu", pero nilampasan niya lang din ito na para bang wala siyang narinig at nagdire-diretso lang siya sa itaas. Pumasok siya sa kwarto nila at isinara ang pintuan kung saan siya sumandal ng nakatingala sa mga crystal lights na nasa kisame habang iniisip ang mga bagay-bagay.
Hindi nagsisinungaling si Madam Chen.. Nagplano talaga si Qiao Anhao na sorpresahin siya kahapon.
Nabanggit ni Madam Chen na yun ang unang pagkakataon na gumawa si Qiao Anhao ng birthday cake…
Kung umuwi siya kagabi, malamang makikita niya ang lahat ng ito. Bakit hindi siya umuwi? Bakit hindi siya umuwi?
Unti-unting sumakit ang kanyang mga mata samantalang ang kanyang lalamunan naman ay parang sinasakal at halos hindi na siya makahinga. Gamit ang dalawa niyang kamay, tinakpan niya ang kanyang mukha at bumulong sa kanyang sarili, "Lu Jinnian, bakit hindi ka umuwi?"
Pagkababa niya, naikalma niya na ang kanyang sarili at bumalik na siya sa tipikal niyang awra. Nakapagshower at nakapagpalit na rin siya ng malilinis na mga damit. Walang imik siyang nagdire-diretsong naglakad papunta sa kanyang sasakyan.
Sa buong biyahe, hindi nagpalit ng posisyon si Lu Jinnian simula noong pumasok siya sa sasakyan. Nakatitig lang siya sa bintana habang nagiisip ng malalim.
Masyadong mabigat ang pakiramdam sa loob ng sasakyan.
Nanatiling kalmado ang assistant sa pagmamaneho, habang si Lu Jinnian naman ay diretso lang ang tingin at mukhang walang balak gumalaw.
-
Hindi na nananghalian si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden at sabay nalang silang kumain ni Zhao Meng sa hotel restaurant.
Hindi siya masyadong nakatulog kagabi at hindi rin maganda ang mood niya kaya parang hinang hina siya ngayong araw. Napagdesisyunan niyang mamili muna ng pagkain bago siya maghanap ng mauupuan.