Hindi man lang siya natignan ng kanyang tatay at naglakad lang ito ng mabilis papasok opisina nito. Para sakanyang tatay, si Lu Jinnian ay parang isang estranghero na walang relasyon sa kanya.
Walang may pakielam kapag nahihirapan siya sa tuwing nagkakasakit at naiinjured to the point na hindi na niya kaya yung sakit.
Pero ngayon, nagtanong si Qiao Anhao sakanya kung nasasaktan ba siya…
Walang ibang ibig sabihin ang mga salitang ito, pero bigla itong bumaon sa kanyang puso.
Pagkatapos magtanong ni Qiao Anhao, kinuha nito ang kanyang bag para kunin ang disinfectant, ointment, at mga bandage na binili nito sa pharmacy.
Kumuha siya ng bulak para malinisan ang likod ni Lu Jinnian pero dahil sa sobrang sakit nito, parang nanigas ang likod ni Lu Jinnian.
Parang nararamdaman din ni Qiao Anhao yung sakit kaya nahihirapan siyang hawakan yung bulak.
Para maging kalmado at madivert ang kanyang atensyon, nagtanong siya, "Noong nainjured ka, bakit hindi ka nagsalita? Kahit na ayaw mong malamang ng iba, kailangan mo pa ring pumunta sa ospital para matignan yan. Kasi pag hindi naagapan ang sugat mo, pwede yang maimpeksyon.
"Isa pa, kahapon, bakit uminom ka ng madami? Sa ganitong klaseng injury, dapat hindi ka umiinom ng kahit anong alcohol… Para sa isang may edad na, paanong hindi mo pa din kayang alagaan ang sarili mo…"
Simula palang pagkabata ni Lu Jinnian ay ay loner na siya; ayaw niyang makipagusap at lagi lang siyang tahimik. Pero ngayon, ang naririnig niya lang ay ang malumanay at mahaba nitong sinasabi.
Pero dahil unang beses palang ni Qiao Anhao na gumamot ng ganoong kalalang sugat, hindi niya alam ang gagawin niya. Mejo nanginginig ang kanyang boses, kaya mas naging cute at attractive ang malumanay niyang boses.
Tuloy-tuloy lang itong nagsasalita na parang walang balak tumigil. Pero hindi inisip ni Lu Jinnian na nakakairita ito. Sa totoo lang, habang nakikinig siya sa mga sinasabi nito, may hindi maipaliwanag na ginhawa siyang naramdaman.
Habang nakapikit at nakahiga sa kama, hindi nagsalita ng kahit ano si Lu Jinnian. Mukhang nakatulog na siya pero ang kanyang mga labi na natatakpan ng kanyang braso ay nakangiti.
Umalis si Qiao Anhao pagkatapos niyang gamutin ang sugat ni Lu Jinnian. Kumuha siya ng anti-inflammatory pills at sinabing "Uminom ka nito para gumaling ka kaagad."
Pagkatapos niyang sabihin ito ay kuha siya ng bote ng tubig na nasa loob ng cabinet sa may headboard. Dinala niya ito sa kama at narealize niya na nakapikit na pala at nakatulog na ng mahimbing si Lu Jinnian.
Mahaba ang mga pilikmata nito na parang dalawang wigs. Kapag natatamaan ng ilaw ang ilong nila ay nagaacentuate ito na nagfoform ng magandang shadow.
Sobrang kalmado ng itsura ni Lu Jinnian, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakangiti. Labis na napukaw ang damdamin ni Qiao Anhao sa mgagandang Ang features ni Lu Jinnian.
Yumuko si Qiao Anhao para titigan ang mukha ni Lu Jinnian. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at lumapit para sikretong itong halikan bago siya umalis, sobrang kinilig si Qiao Anhao. Kinuha niya ang bote ng tubig at pills para ibalik sa cabinet. Pagkatapos niyang kumutan si Lu Jinnian, kinuha niya ang kanyang bag at agad na lumabas ng kwarto.