Nang gabing iyon, inutusan ni Nagong Quan ang assistant niya na ihanda ang kwarto sa bahay niya para sa mag – ina. Nang sandaling malaman ito ni Little Eggshell, tuwang-tuwa siya at napakapit sa kanyang ama at tinanong, "Pupunta ba si Big sis para maging nanay ko? Titira ba siya kasama natin?"
Pagkatapos marinig ang mga tanong na ito, inangat ni Nangong Quan si Little Eggshell sa kanyang kandung at at pinaliwanag, "Eggshell, tinutulungan lamang ni Daddy si Big sis sa pamamagitan ng pagpigil sa kanya at sa kanyang mommy na apihin. Hindi siya pupunta para maging mama mo. Kahit paano, hindi ngayon. Kaya, maging mabait ka, magpakabait ka at huwag magsalita ng walang ingat sa harap niya, OK?"
Nag-isip sandal si Eggshell bago niya nilagay ang kanyang kamay sa kanyang labi at sumagot, "Para sa kapakanan ng kasiyahan ng kanyang daddy, maghihintay ako."
Habang tinitingnan niya ang kilos ng kanyang anak na babae, hindi alam ni Nangong Quan kung tatawa ba siya o iiyak…