"Ang lakas ng loob ng mal*nding iyon na sabihin na ininsulto ko at sinaktan ang aking ina? Hindi ba niya alam na ang babaeng iyon ay mas kasuklam suklam at mas walang halaga kaysa sa kanya?" sigaw ni Han Xiuche habang binabasag ang ilang bagay na nasa sahig pagkaraang makauwi ng bahay.
Sa sandaling nakita niya ito, kaagad na sinubukan ni Han Jie na aliwin ang kanyang kapatid na lalake, "Nakaraan na iyon. Huwag kang magalit sa isang bagay na katulad niyan."
"Ang lahat ng babae sa mundong ito ay walang hihiyan at walang halaga!"
"Xiuche, ang pinaka importanteng bagay sa ngayon, ay ang mapatigila ng isyung ito. Pagkatapos ng lahat, hindi ito mukhang maganda kahit pa hindi tayo ang mali."
"Hmmph, mag iisip ako ng paraan upang mapatigil siya!" wika ni Han Xiuche bago ito bumalik sa kanyang silid, naiwan si Han Jie sa sofa na mayroong madilim na ekspresyon.