"Hindi ba sinabi mo sa telepono kanina na may maganda kang balita na sasabihin sa akin? Tanong ni Xia Jingyi habang inaagaw ang atensyon ni Tang Jingxuan pabalik sa kanya.
"Ako ay maglalabas ng bagong album," sagot ni Tang Jingxuan ng nakangiti.
"Alam ko na ang aming Luo Xing ay mas lalo pang magiging popular."
Sinubukan ni Tang Jingxuan ang kanyang makakaya upang mapanatili ang kanyang ngiti, ngunit habang lumilipas ang mga oras, nalaman niyang pahirap ng pahirap na itago ang kanyang totoong nararamdaman. Nang halos siya ay susuko na, biglang lumitaw si Song Yanshu sa likuran nila at nagsalita sa propesyonal na paraan, "Luo Xing, gusto tayong makita ni Vice President Fang sa kanyang opisina."
Pakiramdam ni Tang jingxuan ay bigla siyang nailigtas habang sinasabi kay Xia Jingyi, "Pupunta muna ako sa meeting. Kakausapin na lang kita mamaya."
"Ok!" nakakaintinding tango ni Xia Jingyi.