"Dahil ba ito sa dami ng masamang bagay na nagawa ko sa aking buhay kay nagdesisyon ang Diyos na tratuhin ako ng ganito?" Umiyak si Tanging habang nakatalikod kay Mo Ting. Hindi siya madalas na umiyak… kahit na sa kanyang pinakamahirap na panahon, hindi siya nabasag sa ganoong paraan. Ngunit, ang malaman na pansamantalang hindi siya maaaring magkaanak ay nagawang paiyakin siya ng napakasakit. Umiyak siya ng lubos hanggang ang kanyang lalamunan ay sumakit.
Humiga si Mo Ting sa tabi ni Tangning at inaaliw na niyakap ito, "Wala kang ginawang anumang bagay na masama. Kung mayroon mang paparusahan ang Diyos na isang tao, ako ang paparusahan niya, hindi ikaw. Huwag kang mag isip masyado mula ngayon, hindi ito kasing seryoso katulad ng iniisip mo. Maaayos natin ito. Makakaya natin ito ng paunti unti."
"Ngunit…"