Isang kakaibang pakiramdam ang biglang lumitaw mula sa kailaliman ng puso ni Tangning. Marahil, hindi pa niya tunay na nararanasan ang kalakhan ng kapangyarihan ni Mo Ting.
Nang makita niya na malalim ang iniisip ni Tangning, gusto pa ni Mo Ting na ipagpatuloy ang pagpapaliwanag sa mga bagay. Gayunpaman, sa sandaling ito, pumasok ng bulwagan si Second Master Mo at naantok na tiningnan ang mag – asawa, "Ang bilis mo namang nanalo…"
Tumalikod si Mo Ting at tiningnan si Second Master Mo bago inilapit si Tangning sa tabi niya, "Ito si secong uncle. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon kanina na ipakilala siya sa iyo kanina."
Bago pa man makatugon si Tangning, hinila ni Second Master Mo sa isang tabi si Mo Ting at tinanong, "Seryoso ka ba? Idinidate mo ang isang small – time model? Sinabi mo na ba sa iyong mga magulang ang tungkol dito?"
Lumingon si Mo Ting at tiningnan si Tangning bago tumugon, "Iniisip mo ba second uncle na hindi siya karapat – dapat?"