Ayon sa ugali ni Mo Ting, inasahan ni Zhen Manni na mapapaalis ng Hai Rui si Charlene para sa kung ano ang ginawa niya. Gayunpaman, sa huli, bumalik sa kanya si Charlene ng tulala.
"Bakit andito ka pa?"
Naduduwag na tumingin si Charlene kay Zhen Manni. Ang kanyang karaniwang kumpiyansa sa pamamahala kay Zhen Manni ay nawala na. Ang tanging natitira na lamang ay ang nakakaawang ekspresyon habang napupuno ng mga luha ang kanyang mga mata.
"Hindi ako hinayaang umalis ni President Mo!" nasamid si Charlene. "Gusto niya akong turuan ng leksyon sa pamamagitan ng pagpapanatli sa aking bilang manager mo."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zhen Manni…
Ang tanging rason kung bakit niya pinagtiisan ang pagtataksil ni Charlene at hinayaan itong hanapin si Mo Ting ay dahil sa gusto niyang personal na makita ni Mo Ting kung anong uri ng tao ang kanyang manager. Sa paraang iyon, magkakaroon na siya ng pagkakataon na kasama ito sa trabaho.