Sumulyap si Luo Hao kay Yuan Yuan at bumalik kay Han Xiner. Bigla niyang naramdaman na ang kanyang tiwala sa sarili ay biglang nawala. Hindi pa niya nakita noon si Han Xiner, ang tanging alam lamang niya ay may sakit ito. Ang lahat ng tungkol sa kanya, hindi niya ito pinag – aralan. Ipinagpalagay lang niya na hindi na dapat siyang magsayang pa ng enerhiya sa isang tao na malapit na rin namang mamatay.
Kaya, nang makita niya sa harap niya si Han Xiner, wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng galit na makikita sa mga mata nito…
Dahil ba ito sa gawa – gawa niyang mensahe ni Tangning?
Kahit ano pa man, masyado nang malayo ang narrating niya para bumalik pa. Ang tanging magagawa lamang niya ay panatilihin ang kanyang kahinahunan habang itinatango ang ulo, "Syempre … ako ang kanyang director, bakit ko siya sisiraan?"