Télécharger l’application
2.27% Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 29: Tianyi Entertainment, Lisanin niyo na ang Entertainment Industry

Chapitre 29: Tianyi Entertainment, Lisanin niyo na ang Entertainment Industry

Éditeur: LiberReverieGroup

"Anong uri ng basurang ahensiya ang Tianyi, upang pilitin si Tangning lumabas sa ganong klase ng event? Marahil ang boss ay f*cken stupid!"]

"I know right! Kung hindi kaya ng Tianyi magplano para sa kanilang mga artist, tayo na lang gumawa nito. Kahit siguro mga batang nag – aaral sa elementary school ay makagagawa ng mas mahusay na trabaho kaysa sa kanila!"

"Tangning, Tangning, ano ang produktong sunod mong i-iindorso? Ano ang susnod kong bibilhin? Sino ang magbibigay sa akin ng pera?"

"Tangning, umalis kana sa Tangning, hindi sila karapat dapat para sa iyo."

"Tangning, malapit na kaming maipayak sa sobrang astig mo …"

Nang makita niya sa internet ang magagandang komento para kay Tangning, galit na galit na itinapon ni Mo Yurou sa isang sulok ang remote ng TV. Hindi niya inasahan na gagamitin ni Tangning ang ganitong pamamaraan upang makuha ang atensyon at simpatya ng publiko. Ang pag – aalsa nito laban sa kanyang ahensya ng dahil sa pang – aabuso nito sa kanya at ang paglilinaw nito na hindi talaga siya kasangkot sa pagsuporta sa hindi mapagkakatiwalaang produkto. Nang dahil dito sa insidenteng ito ay mas naging kilala si Tangning kaysa sa kanya, lalo tuloy niyang kinamuhian si Tangning.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay inanunsyo nito na magbabalik siya sa industriya?

Inanunsyo ng isang laos na modelo ang kanyang pagbabalik sa maingay na pamamaraan?

Hindi mapigilan ni Mo Yurou na tumawa ng tumawa. Hanggang nasa Tianyi si Tangning, hindi niya hahayaan itong mangyari. Maaaring mawala sa kanya ang lahat ng kanyang pagmamay – ari ngunit hindi niya papayagan na makuha ito ng ibang tao.

Sa mga sandaling iyon, hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla si Han Yufan, kaya naman hanggang sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang opisina at pagpasok dito tila ba parang pa rin siya sa kanyang sarili. Nang mapansin niya na nakaupo si Mo Yurou sa kanyang office chair, itinapon niya sa isang tabi ang kanyang suit jacket, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang at lumakad upang tumayo sa tapat ng floor-to-ceiling window. Ang kanyang pagkadisgusto kay Tangning ay umabot na sa hangganan.

"Yufan, bakit hindi ka gumagawa ng paraan upang ipaliwanag ang sitwasyon sa publiko? Isinisi na ni Tangning ang lahat sa atin. Paano niya nagawang sabihin na lubos siyang nagpapasalamat sa agency sa pagsasayos ng isang event na dapat niyang puntahan nang hindi niya alam?"

Hindi talaga alam ni Tangning ang event na iyon at hindi talaga binigyan ng tamang pagtrato ng agency si Tangning, ngunit, ang lahat ng ito ay hindi isinaalang – alang ni Mo Yurou. Ang mahalaga lamang para sa kanya ay makakuha ng pagkakataon na apak - apakan si Tangning – wala sa kanyang bokabularyo ang pagpipigil, "Yufan, maglabas ka ng public statement! Sabihin mo sa lahat, ginawa ni Tangning ang lahat ng ito para makakuha lamang ng pera at walang kinalaman dito ang Tianyi."

Mas labis ang galit na nararamdaman ni Han Yufan ngayon. Dahil sa ginawa ni Tangning, ang imahe na iniingatan ng kumpanya ay bigla na lamang nadumihan. Kaya agad niyang kinausap ang kanyang PR team upang sama – samang mag – isip ng isang emosyunal na public statement.

Inulit ng pahayag na ito ang lahat ng mga kaganapan, nakasaad dito na hindi ipinilit ng kumpanya kay Tangning ang pagpunta sa event na nabinabanggit – ito ay ginusto mismo ni Tangning na gawin. Ipinanpatungkol nila dito na nagsisinungaling lamang si Tangning.

Nabanggit din dito, na ipapataw ng kumpanya ang pinakamatinding parusa kay Tangning. Pagkatapos ng lahat, ipinahiya na ni Tangning ang kumpanya at sinira niya ang isang event. Minaliit nila ito dahil sa naging laos na ito pero heto at ginagamit pa rin nito ang kompanya para pagtakpan siya.

Sa pahayag na ito ng Tianyi, alam na ang lahat na maaaring hindi na muling palalabasin sa kahit proyekto ng Tianyi Entertainment si Tangning. Iminumungkahi din dito na ang landas ni Tangning at ng kumpanya ay magkaiba na…

Hindi lamang dito tumigil si Han Yufan, inutusan din niya ang kanyang mga tauhan na tumanggap ng mga interviews.

"Oh, si Tangning ba ang inyong pinag – uusapan? Wala akong masyadong masasabi tungkol sa kanya, ang masasabi ko lang, hindi mo makikita sa mukha niya ang tunay niyang pagkatao - she's extremely two-faced!"

"Sa totoo lang, palagay ko inosenta ang kumpanya dahil maraming nagsasabi na nagsisinungaling lamang si Tangning."

"Wala akong masasabi. Susuportahan ko pa rin ang Tianyi Entertainment. Para sumikat, ano ba ang hindi kayang gawin ng isang modelo?"

Ang tatlong komentong ito ay nagmula sa mga empleyado ng Tianyi. Tila detreminado silang ibaling ang lahat ng sisi kay Tangning – hindi na nilang papayagang makaganti pa ito. Sa kabilang banda naman, si Tangning na hindi mahilig na sumagot sa mga iskandalong kinasasangkutan niya: pinababayaan lang ang kanyang kumpanya na insultuhin siya hanggang gusto nila.

Sa kasamaang palad, minaliit ni Han Yufan ang pagpapahayag ni Tangning tungkol sa pagboboykot nito sa isang walang kwentang produkto. Kahit na may ilan tao siyang na napaniwala sa mga paninira niya laban kay Tangning, ngunit hindi nito natinag ang dami ng sumusuporta sa ngayon kay Tangning.

Para isang malaking bundok si Tangning, gamit ang kahit anong uri ng pamamaraan na alam niya, sisiguraduhin niyang mabilis niyang malalagpasan ang lahat.

Habang nagpapakalat ng tsismis na patungkol kay Tangning ang Tianyi Entertainment. Inilabas naman ni Tangning ang mga nakalap niyang ebidensya – ito na ang tamang panahon upang ipahiya niya ang kumpanya. Kasabay nito ay ang biglang paglabas ng ilang voice recordings na galing sa isang makapangyarihang online media source. Biglang napagtanto ng mga taong nikinig sa mga ito kung gaano kawalang – puso ang Tianyi Entertainment.

Ang pagpapatigil sa lahat ng trabaho ni Tangning ng sinasadya ay hindi na makatarungan, pero hindi dito natapos ang lahat – sila din ang nagplano na ipadala si Tangning upang daluhan ang walang kwentang event na iyon.

Ang pagpilit kay Tangning na maging kahalili ng isa pang modelo, ang pagtanggap sa lahat ng paninisi at kakahiyan mula sa netizens – ngunit hindi pa dito tumigil ang Tianyi Entertainment.

Ang bagay na mas ikinagulat ng lahat ay ang may – ari ng boses na nabibigay ng utos ng hindi pagpapahintulot kay Tangning na kumuha ng kahit anong trabaho. Nakilala ng netizens kung sino ang may – ari ng boses na ito – walang iba kundi si Mo Yurou na sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay ni Tangning at Han Yufan.

Naiintindihan na ng mga netizens ang lahat ngayon…

Ngunit, mayroon pa ring mga tao na nagtatanong kung saan nagmula ang mga recordings na kumakalat. Pero hindi na ito mahalaga. Pagkalipas ng isang oras, nang magbukas ng kanyang email ang manager ni Tangning na si Lin Wei, ito ay punong – puno ng mga mensahe mula iba't ibang kumpanya na nais na makatrabaho si Tangning. Pero sa huli ito tinanggihan niyang lahat. Napabuntong hininga nalang si LinWei sa mga pangyayari sa araw na iyon; masyadong mayabang si Mo Yurou dahil siya ay masyadong pinapaboran ni Han Yufan. Pinigilan niya ang pagsikat ng ibang artist at sinira ang magandang takbo ng kumpanya…

Kung ikukumpara sa walang basehan na payahag ng Tianyi Entertainments, nagawang maglabas ni Tangning ng isang matibay na ebidensya. Ito ang iskandal na kanyang ipinangakong ilalabas nang araw na inanunsyo niya ang kanyang pagbabalik.

"OMG, Hindi ako makapaniwala na ganon kawalang hiya si Han Yufan!"

"Nasa bingit na siya ng kamatayan pero gusto pa rin niyang gawing spacegoat si Tangning."

"Paano naging ganito kasama ang Tianyi entertainment? Hindi na nga magandang tingnan na masyado silang marahas sa kanilang mga modelo, paano pa nilang nagawang gamitin si Tangning at subukang itapon na lamang pagkatapos? Hindi pa ako nakakita ng ganyan kawalang – hiyang entertainment agency."

Paano naman ang staff ng kumpanya na nagsalita ngayong umaga laban kay Tangning para sa ngalan ng Tianyi? Siguro ay natanggap na nila ang sampal sa mukha ng dahil sa ebidensyang kumakalat. Nagsama – sama ang buong kumpanya para pagkaisahan si Tangning!"

"Tianyi Entertainment, Lisanin niyo na ang Entertainment Industry!"

[a ngayon, pagkatapos na mailabas ni Tangning ang lahat ng ebidensyang hawak niya, hindi na nito kailangan pang magsalita. Kitang – kita na base sa mga ibedensya kung sino ang mali at kung sino ang tama.

Ang Tianyi Entertainment at si Mo Yurou ay malapit na sa bingit ng katapusan nila, samantalang ang katanyagan naman ni Tangning habang nagaganap ang mga ito … ay biglang nadoble ng hindi inaasahan.

Nagsimulang tawagan ng iba't ibang advertisers ang Tianyi upang kanselahin ang kanilang kontrata sa kumpanya, maging ang ibang modelo ng kumpanya ay apektado sa pangyayari ito sapagkat lahat ng kanilang kasalukuyang endorsements ay pinatigil. Nakita ni Han Yufan ang napakadaming komento ng mga netiznes sa online – dito niya napagtanto na hindi na siya maaari ngayong umatras. Pagkatapos mag – isip ng mabuti, napagdesisyunan niyang tawagan si Tangning, "Tangning, gusto mo talaga akong mamatay? Masisiyahan ka lang ba kapag napabagsak mo n ako?"

Nakaupo sa mga oras na iyon si Tangning sa kanyang bahay, masaya sa balita, "Papunta na jan ang mga abogado ko… Han Yufan, ito na ang oras para linawan ang ating kontrata…"

"Tangning, 'wag mo 'tong gawin! Kapag ipinagpatuloy mo ito, babagsak ng tuluyan ang Tianyi!" kinakabahang sagot ni Han Yufan.

"Kung ikukumpara ko ito sa lahat ng ginawa n'yo sa akin ni Mo Yurou, 1% palang ang naibabalik ko sa'yo. Kapag pinatalsik mo si Mo Yurou sa Tianyi Entertainment, maaaring … maawa pa ako sa'yo," marahang sagot ni Tangning.

"Ito ba ang pinakalayunin mo?" malapit nang mabaliw si Han Yufan sa mga kaganapan, "Nais kong sabihin sa'yo na makikipaglaban ako hanggang sa huli!"

"Tingnan natin, subukan mo…" pagtapos niya masabi iyon, pinatay na niya ang kanyang phone. Kahit na ang kanyang kasikatan ay unti – unti nang lumalaki, hindi ibig sabihin nito na wala nang pagkakataon si Mo Yurou – nagsisimula pa lang ang palabas.

Habang papauwi na si Mo Ting, binasa niya ang pambungad na balita sa isang pahayagan – napabilib siya sa kanyang nakita. Kahit si Lu Che ay napamangha kay Tangning, "Nakakahanga ang mga ginawa ni madam!"

"Maya maya, itigil mo ang sasakyan para bumili isang dosena ng bulalak. Gusto kong batiin siya para sa kanyang pagbabalik sa industriya," Utos ni Mo Ting, "Pulang rosas ang gusto ko…"

"Naiintihan ko, president ..." tumango si Lu Che – dahil sa masaya ang lahat, magtatago siya ng Durex sa pagitan ng mga bulaklak na ito!


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C29
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous