Naitatag na ba ng Happy ang kanilang kalamangan?
Malinaw na nasa mga kamay ng Happy ang inisyatiba ngayon sa labanang ito. Dahil diyan ay hindi mapigilang mapaisip ng ganito ang karamihan sa mga manonood.
Pero palagiang nagbabago ang takbo ng isang laban, makikita mo lamang ang tunay na kalamangan ng dalawang Team sa mga datos na nakatala sa mga statistika.
Health!
Matapos ang mahabang laban ay halos maubos na ang buhay ng walong karakter na nasa entablado pa ngayon at nakikipaglaban. Lalong-lalo na ngayong wala silang mga Cleric, mas malinaw para sa lahat kung sino sa dalawang Team ang nakakalamang.
Bago pa man mangyari ang mga nangyari sa labanan ay dehado ang Happy kung Health ang pag-uusapan.
Pero matapos ang dalawang palitan lamang ay nakuha na ng Happy ang inisyatiba mula sa kanilang mga kalaban, at sa katunayan lang ay dalawang beses na nilang pinagtutuonan ng pansin ang Empty Waves ni Jiang Botao.