Naramdaman ni Fang Minghua ang intensyon ng Happy at alam niya na hindi maganda ang sitwasyon. Malinaw siya sa bilis ng mga character ng Samsara. Kadalasan, Assassin, Battle Mages at Sharpshooter ang mabibilis. Bahagyang napapagiwanan lang ang Laughing Song niya at ang Empty Waves ni Jiang Botao.
Pero ngayon, hindi na kailangan pang gumalaw ni Laughing Song. Tinutulungan siyang gumalaw nila Lord Grim at Soft Mist gamit ang blow-away at knockback skills. Sa kasalukuyang bilis ng galaw ni Laughing Song, mas mabilis pa ito sa pagtakbo niya.
Tumulong si Su Mucheng para harangan ang mga humahabol at nakakapagkoordina pa kay Ye Xiu at Tang Rou paminsan minsan. Ngayon, silang tatlo ang bumuo ng magandang combo.
Battle Mage at Launcher?
Ye Xiu at Su Mucheng, Best Partners?