Paanong naging dalawang Clerics na nagsasapakan?
Madalas nakikita ang pangyayari na ito sa laro, madalas kapag walang magawa ang mga manlalaro pero hindi pa ito naririnig sa propesyonal. May mga sandali na kung saan mapupwersa ang Cleric na makipaglaban, pero dahil lang iyon sa wala silang magawa, o para protektahan ang sarili nila. Pero malamang ito ang unang pagkakataon na sinasadya ng isang Cleric na sumugod para umatake sa isa pang Cleric.
Habang nagwawasiwas sila ng krus, may mga sound effect rin. Parang hindi pamilyar ang tunog na ito sa tainga ng lahat.
Laughing Song, Little Cold Hands. Ang dalawang Cleric na naglalaban. Nagkataon na lalaki't babae ang mga characters at halos masamang makita, parang pamilya na nagaaway sa kalye.