Natigilan ang lahat!
Finals ito, ang huling laban, ang sandali na mapagdedesisyonan ang lahat ng paghihirap sa buong taon!
Pagkakaisa, tension, seryoso, inaasahan ang mga ito, pero talaga bang malalampasan nila ang kasiglahan na ito?
Pero ngayon, habang seryosong pinagaaralan ng Samsara ang kapaligiran at naghahanda sa laban, anong ginagawa ng Lord Grim ni Ye Xiu? Para siyang sanggano. Isang sanggano na uupo sa may bagtasan sa tabi ng iskwelahan at sisipol sa mga magagandang dilag na daraan. Nakaupo si Lord Grim sa may piramide at nagtatapon ng kung ano anong kritikal na kumento sa Samsara.
Hindi tama ang pangyayari na ito. Hindi ito seryoso!
Kahit na gaano ka-mali ito, ginawa ito ni Ye Xiu at sinabi na ang mga salita. May ganitong ritmo at istilo ang laban. Kailangan pa rin itong mapanood at ang paliwanag at pagsusuri ay kailangan paring gawin tama?