Sa kasagsagan ng mga palakpakan ay natapos na rin ng tuluyan ang labanan. Sa naganap na Press Conference pagkatapos ng labanan ay nagpatuloy pa rin sa pagpapakita ng kalmadong pag-uugali ang Samsara habang kaharap nila ang mga Reporter.
Kahit na nanghihinayang sila dahil sa nabasag ng Happy ang pinakaiingatan nilang sunod-sunod na mga tagumpay sa sarilinilang istadyum. Ipinaalam nila sa lahat na ang lahat ng mga nangyari sa araw na ito ay naging sapat para mas pagbutihin pa nila ang paglalaro nila sa susunod.
Matapos nito ay dumating naman ang Happy na nagwagi. Masyadong maraming mga tanong ang gustong itanong ng mga Reporter sa Happy. Pero hindi inaasahan na ang manlalarong naging makinang na bituin sa labanang ito na si Fang Rui ay hindi sisipot para sa Press Conference na ito.
Talagang hindi inaasahan ng lahat na mangyayari ito.