Biglang naging agresibo sa mga sandaling ito si Mo Fan. Para sa mga manonood ay ginawa lamang ni Mo Fan ang lahat ng ito dahil sa ito ang tamang gawin sa sitwasyong ito. Pero para sa Happy, ito ay isang panibago na namang pagbabago para kay Mo Fan.
Si Mo Fan ay isang manlalaro na ang pinanggalingan ay isang taga-pulot ng tira-tira lamang. Palagi niyang inuuna ang kaniyang kaligtasan, ngayon, at noong una. Ang kaniyang istilo sa paglalaro ay nakabatay sa kaniyang kaligtasan.
Sa nagdaang mga labanan ay may mga pagkakataon na sinusugod niya ang kaniyang kalaban. Noon, ang ginagawa ni Mo Fan na makipagpalitan ng mga atake kaharap ang kaniyang kalaban ay isang desisyon na ginawa niya dahil sa wala na siyang magagawang iba pa.
Pero ngayon, ang ginawang pakikipagpalitan ni Mo Fan ng atake kaharap si Jiang Botao ay isang desisyong siya mismo ang may gawa. Hindi dahil sa wala na siyang ibang magagaw pa. Ginawa niya ang desisyong ito dahil sa ito'y ginusto niya.