Matalo? Manalo?
Natutulala na ngayon ang mga tagahanga ng Samsara. Kasama na rin sa kanila ang mga tagahanga ng Happy. Iyan ay dahil sa hindi gaya ng mga propesyonal na manlalaro ay hindi naman kasi nila lubusang naiintindihan kung ano nga ba talaga ang mga nangyari.
Simple lang naman kasi ang naging basehan nila sa lahat. Ang mananalo ay iyong may mas malaking Health.
Syempre, hindi naman tama itong iniisip nila. Kung sino ang may mas malaking Health ang nananalo sa labanan. Dahil diyan ay masasabi mo na talagang binaliktad ni Ye Xiu ang takbo ng labanan dahil sa nagawa niyang ito.
Kani-kanina lang ay pantay-pantay ang takbo ng labanan. Pero sa mga panahong naihagis ni Ye Xiu ang Cloud Piercer ni Zhou Zekai sa stalactites ay nabaliktad ang takbo ng labanan. Sa mga panahong sa wakas ay nagawa na niyang makatakas, isang patalim ang lumabas na nagpasiya sa labanan.
Papaanong nangyari ng lahat ng ito?
Papaanong nangyari ang lahat ng ito?