Isang sandali pa lang na lumilipas pero kung ano ano ng naganap. Maaaring hindi makilala ito ng ilang mas mahinang manlalaro.
Sa tulong ng Sacred Fire ng Little Cold Hans ni An Wenyi, nag tipon na ang Lord grim ni Ye Xiu at Dancing Rain ni Su Mucheng. Hindi pa ito tapos. Nagkasama na ang dalawa pero maaga pa para sabihin na nakatakas na sila sa Tyranny!
Sa oras na ito, nakuha si Desert Dust mula sa Sacred Fire. Muli, kinuha niya ang pinaka maliit na daan at tumakbo doon papunta sa dalawa sa pinaka mabilis niyang bilis. Sa kabila naman, hindi kuripot ang dalawang gunner ng Tyranny sa bala. Papunta sa harap ang Dark Thunder ni Lin Jingyan para pigilan ang dalawa sa pagalis.
Mukhang mas lamang para sa Tyranny ang sitwasyon pero sa ngayon hindi tinatangka ni Zhang Xinjie na magbuntong hininga. Ang pagliligtas ni Little Cold Hands ng Sacred Fire ay minsan ng nangyari at maaaring mangyari ulit.