Noong nakaakyat na sa entablado si Mo Fan. Ang unang naisip ng lahat ang kaniyang titulo na Godslayer. Ang ikalawang naisip naman nila ay ang pagkamahiyain ni Mo Fan sa pakikipag-usap.
Para kay Mo Fan, hindi naman isyu ang nahihiya siyang makipag-usap dahil sa hindi naman kasi siya nagsasalita. Kahit na nga si Ye Xiu ay nabigla noon dahil sa noong una niyang natagpuan si Mo Fan sa loob ng laro.
Totoo naman na hindi masyadong nagsasalita si Mo Fan, pero hindi mo naman masasabi na talagang tahimik siya kagaya sa kung ano siya sa totoong buhay. Pero sa loob ng laro naman ay parang nagagawa naman niyang makipagtulungan, at makipag-usap.
Pero sa totoong buhay ay pinipili niyang hindi magsalita. Matapos niyang maging isang propesyonal na manlalaro ay talagang hindi rin siya nagsasalita sa kaniyang mga kasamahan.