Sa kasagsagan ng regular season, ang Blue Rain ang isa sa ilang mga Team na dalawang beses na natalo ang Happy sa kanilang mga labanan. Ay hindi, mas sakto kung sasabihin nating tatlo. Kasi naman, sa nagdaang yugto ng labanan.
Kahit na sa huli ay nanalo ang Happy, nagawa naman nilang talunin ang Happy sa Team Competition.
Tatlong tagumpay kaharap ang Happy. Sa katotohanang ito ay dapat na wala silang problema na kalabanin ang Happy sa labanang ito. Dapat ay kalmado lang sila't walang iniindang sakit ng ulo. Pero bilang ang Team Captain ng Blue Rain, hindi ganoon ang pakiramdam ni Yu Wenzhou.
Dalawang pagtatagpo sa regular season, at sa huling pagtatagpo nila sa nakaraang yugto ng labanan sa kasalukuyang playoffs. Tatlong yugto ng labanan kaharap ang Happy, pero sa bawat labanang iyon ay iba ang pakiramdam niya habang kaharap ang Happy.