Roll!
Gumulong sa kaliwa si Troubling Rain, at nailagan niya ang patagong Qi Bullet ni Boundless Sea. Sa mga sandali na siya'y gumugulong ay kaagad na natingnan na ni Huang Shaotian gamit ang dalawa niyang mga mata ang kaniyang kanan, likuran, harapan, at kaliwa.
Nadaanan na ni Huang Shaotian ang lugar na ito, at dahil diyan ay alam na niya ang mga lugar na kung saan maaring manambang ang isang kalaban sa lugar na ito. Dahil diyan, kinakailangan na lamang niyang kumpirmahin kung nasaan ang kaniyang kalaban.
Sa pamamagitan ng impormasyong iyon ay magagawa niyang gumawa ng plano na kung saan siya ay makakatakas sa pagpapalibot nila.
Syempre, masyadong importante rin na maipaalam niya ang impormasyong ito sa mga kasama niya.
"Kalaban!"
Sa mga sandaling gumugulong pa si Troubling Rain ay masyadong marami na ang nagawa ni Huang Shaotian. Gayunpaman, hindi hinayaan ng kaniyang kalaban na si Fang Rui na dito na lamang matapos ang lahat.