Sa panibagong sistema sa mga labanan dito sa playoffs. Kung ano man ang magiging resulta ng Group Arena ay nakakaapekto tungkol sa kung papaano maglalaro ang mga Team sa paparating na Team Competition.
Ang talunan, at ang nanalo sa nagdaang Group Arena ay kinakailangang gawin ang lahat ng makakaya nila para mapairal ang kanilang kalamangan, o hindi kaya'y malamangan ang kalaban.
Matapos kumalma ang lahat dahil sa mga naganap sa nagdaang Group Arena ay nagsimula na sa kanilang mga paghahanda ang dalawang kampo.
"Kasalukuyang nangunguna ng dalawang puntos ang Happy. Mukhang mas maganda ang sitwasyon nila, hindi kagaya sa inaasahan ng lahat." Kasalukuyang ginagamit ni Li Yibo ang pamamahinga sa pagitan ng dalawang yugto ng mga labanan para magsalita sa lahat.