Pagdatinng ngayon, lumabas na ang mga manlalaro ng Wind Howl at Happy sa kanilang booth. Pinakita ng malaking screen ng istadyum ang huling iskor nila habang lumalabas ang mga manlalaro. Sinundan nila ang pangkaraniwang protokol pagkatapos ang laban, kilalanin ang mga manonood at batiin ang kanilang mga kalaban.
Bawat isa sa mga manlalaro ng Wind Howl ay parang manhid, mala-robot na kinakamayan ang mga manlalaro ng Happy. Kasama ng mga karaniwang paggalang "maganda ang ginawa mo""Patuloy na magsikap ka""Maligayang pagbati" At kung ano pa man ang sinabi ngayon. Lahat ng ito ay para magbigay galang lang kaya wala talagang may pake kung anong sinabi nila.
Nakalinya pa rin ng ayos ang mga manlalaro kahit na si Captain Tang Hap ang nasa unahan at ang iba ay nakaayos. Ang sunod sa linya ay ang Vice Captain na si Liu Hao, na madaling nakaratin sa harapan ni Su Mucheng na may galit na ekspresyon sa mukha.