Hindi mapigilang kabahan ng Captain ng Parade matapos niyang marinig ang panghahamak ni Ye Xiu.
Talagang hindi nga naman sulit ang palitang ito. Basura naman kasi ang Cleric ng Happy! Pero bukod dito ay ano pa ba ang magagawa nila?
Hindi maaaring magdalawang-isip ka sa kasagsagan ng isang labanan! Nagagawang maging desidido ni Wu Shuai sa mga sandaling kinakailangan, at dahil diyan. Kahit na kinabahan siya'y ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pagsugod kay Little Cold Hands.
Hindi na nagsayang nang oras si An Wenyi. Matapos makita na sinusugod siya ng kaniyang mga kalaban ay kaagad siyang gumamit ng Great Cure sa kaniyang Little Cold Hands. Lubusang umakyat ang kaniyang Health, at pagkatapos nito ay sinimulan na nang Parade ang kanilang mga atake.
Pero noong napatingin si Wu Shuai sa kampo ng Happy ay ginusto niyang umiyak.