Dahan-dahang nilalapitan ng dalawa ang isa't-isa, at ang eksena sa labanang ito ay naging kaparehas sa naganap na labanan sa nagdaang laban. Natahimik ang lahat, at halos hindi na sila huminga sa paghihintay na dumating ang eksenang pinakahihintay nila.
Pero bago pa man namalayan ng mga manonodo ang mga nangyayari, biglang tumakbo ang dalawa.
"Natuklasan na nila ang kinaroroonan ng isa't-isa!" Pasigaw na sabi ni Pan Lin.
Mas malinaw para sa mga manonood ang sitwasyon kaysa sa mga kalahok na manlalaro sa entablado, pero para malaman nila kung ano ba talaga ang mga nangyayari ay kailangan nilang makita kung ano ang ginagawa ng mga manlalaro.
Syempre, sa mga sandaling ito ay ipinakitang muli ng mga malalaking screen ang mga nangyari kani-kanina lamang.