Kaagad na nagsimula ang labanan. Ang mapa na pinili ni Ye Xiu ay isang simple, at deretsahang mapa na naman. Syempre, ang stratehiyang ginamit niya para makipaglaban ay isang deretsahang stratehiya rin naman.
Isang nakakagulat na pangyayari ito para sa lahat dahil sa kadalasang ginagamit naman kasi ng mga nakakatandang manlalaro ang kanilang karanasan para manalo sa labanan. Dahil diyan, mas mainam sa kanila na pumili ng mga komplikadong mapa.
Pero ibahin mo si Ye Xiu. Bilang isang unspecialized na manlalaro ay palagian siyang pumipili ng mga mapa na maari niyang masamantala para makapaglaro ng agresibo kaharap ang kaniyang kalaban. At simula noong una hanggang ngayon, wala pang manlalarong nakakatalo sa kaniyang pagkaagresibo.