Hindi mapigilang matigilan ni Liu Hao. Pati na ang ilang mga tagahanga ng Excellent Era ay hindi mapigilang may maalala sa nakaraan.
Ye Xiu, Liu Hao. Silang dalawa'y matatandang manlalaro na magkasama noon, at ngayon ay magkalaban na. Pero kahit na sila'y magkalaban na'y parang magkaibigan pa rin sila noon dahil sa mga usapang nagaganap sa pagitan nilang dalawa.
Gayunpaman, hindi makakalimutan ni Liu Hao ang ipinapakitang pagkamuhi ni Ye Xiu sa binitawan niyang mga salita.
Para kay Liu Hao. Ang ginawa niyang pagbibigay ng papuri kay Tang Hao ay isang pamamaraan para maging mas ganado pa ang mga manlalaro ng kaniyang Team. Pero para kay Ye Xiu, parang sumusobra raw ito.
Isang panghihimok rin naman ang pagpupuri sa iyong kasamahan. Sino ba naman sa mundong ito ang magrereklamo kung pupurihin mo ang iyong kasamahan, hindi ba?