Dumedepensa sa iisang manlalaro lamang ang dalawang Team na Team A, at Team B para supilin ang isa't-isa. Syempre, ang walang-humpay na mga atake ay isang magandang paraan para masiguradong masusupil mo ang iyong mga kalaban kaysa sa pag-iilag lamang, at pagtatago mula sa iyong kalaban.
Kasi naman, kapag hinarap mo sa isang harap-harapang labanan ang iyong mga kalaban ay maaring dumating ang isang pagkakataon na magagawa mong samantalahin para durugin sila. Pero ang paulit-ulit na pag-ilag lamang?
Parang ipinapakiat mo na rin sa iyong kalaban na ikaw ay mahina, at dahil diyan ay mahihirapan kang lapitan sila't guluhin ang kanilang mga ginagawa. Kasi naman, madali lang para sa kanila na ibaling sa iba ang kanilang atensyon, kaysa sa habulin ka na tumatakbo papalayo sa kanila.
Pero ang problema ay ang manlalarong kasalukuyang nagsasagawa ng ganitong klase ng stratehiya para supilin ang kaniyang mga kalaban ay si Lord Grim.