GG!
Talagang sumuko siya't sinabi na GG!
Sa mga sumunod na eksena ay kaagad na umalis mula sa laro si Ye Xiu, at inanunsyo ng laro na si Blue Exorcist ang nanalo sa labanang ito.
Teka lang, tapos na ang labanan?
BOOO! Sa lakas ng pagsisisigaw ng mga tagahanga ay kahit na gamit-gamit ng pinuno sa seremonyas ang mga speaker na nakahilera sa paligid ng entablado ay halos hindi mo na maririnig ang kaniyang boses.
Sa mga sandaling ito, tanging isang salita lamang ang magagamit mo para isalaysay ang eksenang ito.
Nakakabingi.
Hindi inaasahan na sa kasagsagan ng kasiyahan ng All-Star Weekend ay mayroong isang manlalarong lalamon ng ganito kalakas na panghahamak mula sa mga manonood.