Dumeretso ang mga balang pinapaulan ni Dancing Rain sa kalagitnaan ng mga manlalaro ng Misty Rain. Hindi maaring isawalang-bahala na lamang ng mga manlalaro ng Misty Rain ang lakas ng mga atake ni Dancing Rain.
Dahil dito ay kaagad nilang pinailag sa mga paparating na atake ang kanilang mga karakter. Sa ginawa nilang ito ay nagkahiwa-hiwalay silang lahat. Ginawa nila ito ay dahil sa ayaw nila na kaagad silang maubos ni Su Mucheng dahil sa mga atake niyang masyadong malawak ang nasasakupan.
Habang iniilagan ng mga manlalaro ng Misty Rain ang mga balang pinapaulan ni Su Mucheng sa kanila ay hindi nila inihinto ang mga atakeng pinapadala nila kay Windward Formation. Sa totoo lang ay parang wala silang intensyong harapin ang mga atake ni Dancing Rain.
Dahil dito ay pinalitan rin ni Su Mucheng ang mga manlalarong pinupuntirya niya. Imbis na ang mga manlalaro ng Misty Rain ang atakihin niya ay si Windward Formation ang pinaulanan niya ng bala.