124, 131.
Dumeretso na sa kinaroroonan ni Tang Rou ang Striker ni Shen Jian na nagngangalang Lethe. Pero hindi naging mabilis o mabagal ang kaniyang paggalaw. Sa pagiging maingat niyang ito ay mababakas mo ang kabang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
Sa mga sandaling mararating na sana niya ang kaniyang paroroonan ay hindi niya direktang ipinakita ang kaniyang mukha sa kaniyang kalaban. Tiningnan na muna niya ang paligid, naghanap siya ng lugar na kung saan maari siyang magtago para tambangan ang kalaban.
Deretsahang inanunsyo ng kaniyang kalaban ang kaniyang posisyon. Pero siya ay naging dahan-dahan, at nag-isip pa na maghanda ng isang pananambang. Kadalasang kinaiinisan ng karamihan sa mga tao ang ganitong klase ng paglalaro.
Mabuti na lamang ay nasa istadyum sila ngayon ng Miracle. Dahil diyan, hindi masyadong marami sa hanay ng mga manonood ang nanghamak kay Shen Jian.