Ambilis niya! Kaya pala natalo si Liu Xiaobie.
Pinailag ni Xiao Yun ang kaniyang Euphorbia. Kahit na napaghandaan na niya ang sitwasyong ito, sa mga sandaling nangyari na ang sitwasyong pinaghandaan niya ay hindi pa rin niya mapigilang kabahan.
Tama, siya nga ay isang kalaban na hindi maaring kalabanin ng harap-harapan! Dahil dito ay nakumpirma na ni Xiao Yun ang ideyang umiikot sa kaniyang isipan. At dahil sa matagal na naman niyang alam ang katotohanang ito ay syempre, naghanda na siya ng stratehiya para dito.
Kung gusto niyang maging mabilis ay hindi maaring hayaan ko na lamang siya na maging mabilis. Sa mga naiintindihan ko sa Battle Mage na class, makakaya ko siyang supilin!