"Dakilang Fang Rui, maligayang pagdating! Maaari lamang na umakyat sa hagdan tungo dito."
Patagong binati ni Chen Guo ang taong ito, na kararating lang sa labas ng Happy Internet Café. Maingat siyang tumingin sa likod para tignan ang mga senyales ng mga paggalaw mula sa mga kustumer ng Café. Tunay naman sa kanyang reputasyon bilang isang dalubhasa sa maduming paglalaro, agad naintindihan ni Fang Rui at sinundan si Chen Guo ng mabilis matapos ang mabilis na pag-tango. Narito siya para panoorin ang Happy, hindi niya gustong mapanood ng iba sa pagdatin niya. Ngunit, matapos umakyat, hindi maiwasan na tumingin ni Fang Rui sa likod. Nakita niya ang daan sa tapat ay iba sa kanyang natatandaan.