Kung wala ang aggro-establishing skill katulad ng Provoke ng Knight, magiging imposible na biglang magpalit ng target ng aggro. Kahit ang OT nanngangailangan na mapunan ang mga kondisyon. Kung hindi, kung kasing simple lang ito ng paghigit sa damage kaysa sa isa, madaling maililipat ang aggro at ang dalawang characters ay magsasalitsalitan lang sa pagatake at gawing ping-pong ang boss ng pabalik balik hanggang sa mamatay ito. Hindi dinesenyo ang sistema ng aggro para maging tanga. Para makagawa ng OT, kailangan malampasan ng aggro ang isang partikular ng pursyento. Dahil dito, ang katotohanan na nagawang biglang mahila ni Dancing Rain ang aggro ay nangangahulugan na matagal na nilang pinaghandaan ito.