Natapos ang finals ng Challenger League sa isang gabi ng Biyernes. Kasunod ng araw na ito ay magsisimula na ang ikatatlumpu't-pitong yugto ng Regular Season, at ang ika-siyam na season ng Glory Professional League.
May ilang mga Team na malinaw na ang posisyon sa Professional League, habang may ilan pa mang nakikipaglaban pa rin para makapasok sa playoffs, at para mapairal ang kanilang sarili sa buong Alliance.
Pero hindi inaasahan na sa importanteng araw na ito ay dumagsa ang mga ulat, at bali-balita tungkol sa naging resulta ng Challenger League sa nagdaang gabi.
Talagang nakagawa nga ng isang himala ang Happy.
Kasalukuyang pinag-uusapan ng lahat na naglalaro ng Glory ang paksang ito.
Sa sumunod naman na Linggo, hindi mapigilang magusap-usap ng lahat matapos nilang malaman ang mapait na kinahinatnan ni Ye Xiu matapos ang kaniyang pagreretiro. Pinag-uusapan ng buong Glory ang tungkol sa isyu na ito.