Mga pekeng kombo.
Ito'y isang pamamaraan na hindi mo maaring ihantulad sa mga galawan na kagaya ng Vanishing Steps, ang Vanishing Steps naman kasi ay isang galawan na nangangailangan ng sapat na karanasan, karunungan, at kalakasan sa laro.
Ang mga pekeng kombo ay isang pamamaraan na nagagawa ng kahit na sino. Kahit nga ang mga ordinaryong manlalaro ay kadalasang ginagamit ang pamamaraan na ito para masunod-sunod nila ang kanilang mga atake.
Kahit na sino naman sigurong manlalaro ng Glory ay magagawa ang lahat ng ito. Pero para makapaglapat ng dalawampung tunay na kombo sa iyong kalaban nang hindi ito natatakasan ng iyong kalaban ay masyadong mahirap kahit na para kay Ye Xiu.
Kahit na si Qiu Fei ay hindi na niya magagawang isagawa ang mga nagawa niya kanina ulit, kahit na subukan man niya iyon.