Kasalukuyang nagpapatuloy pa rin ang labanan. Matapos masamantala ng broadcast ang panandaliang katahimikang para ipaliwanag sa lahat ang mga nangyari kanina ay kaagad na ibinaling ng kamera ang atensyon nito sa nagaganap na labanan.
Kaagad ring itinuon nina Pan Lin, at Li Yibo ang kanilang atensyon sa nagaganap na labanan matapos maipaliwanag sa lahat ang mga nangyari an ito.
Hindi ininda ni Soft Mist ang pinsalang idinudulot ng mga natitirang parte ng Bouncing Mine na tumatama sa kaniyang katawan, habang hinahabol niya ang tumatakbo na si Life Extinguisher. Hinabol ni Soft Mist si Life Extinguisher hanggang sa siya'y pumasok sa isang kanto.
Hindi alam ni Soft Mist kung ano ang ginagawa ni Life Extinguisher sa kanto na ito, pero para sa mga manonood. Kitang-kita nila na tinatambangan ni Life Extinguisher si Soft Mist.