"Mga walang-hiya ang Excellent Era!!!"
Matapos marinig ni Chen Guo ang mga sinabi ni Ye Xiu ay kaagad niyang pinagpira-piraso ang diyaryong nasa kaniyang mga kamay.
"Papaano kaya natin babaliktarin ang mga sinabi nila?" Sabi ni Chen Guo kay Ye Xiu. Maririnig mo ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.
"Talunin natin sila." Sumagot naman si Ye Xiu.
"Uh... wala nang iba pa?" Nagtanong ulit si Chen Guo.
"Hindi pa ba sapat 'yan?" Nabigla si Ye Xiu.
"Kinakailangan naman nating gawin 'yan, hindi ba? Pero ano ba ang magagawa natin ngayon? Papaano tayo babawi sa kanila?" Nagtanong ulit si Chen Guo.
"Talagang hindi natin kailangang bumawi pa." Kalmado pa rin si Ye Xiu, pero para bang may inaantabayanan pa rin siyang sakit sa ulo na paparating sa kaniyang buhay.