Naging mabilis ang paglipas ng pitong araw, at lumipas na rin ang Spring Festival. Kaagad na bumalik sa Happy ang bawat manlalarong kalahok sa Team na para bang sila'y isang empleado ng isang kumpanya. Sabay-sabay na bumalik ang dalawang istudyante na sina An Wenyi, at Luo Ji.
Tungkol naman sa kung ano ang sinabi ng dalawang binatang ito sa kanilang pamilya sa kung saan sila pupunta ay hindi na nangialam pa si Ye Xiu tungkol dito.
Sa unang araw ng Pebrero, sa ika-sampung araw ng Lunar Calendear, magsisimula ang unang opisyal na laban ng mga propesyonal na Team sa Spring Festival.
Sa araw na ito rin ay namatyagan ng lahat ng mga manlalaro ng Glory ang unang pagdating ng Level 75 na Silver na kagamitan.
Ang mga Silver na kagamitan ay mga kagamitang mga nasa pangarap lamang ng mga ordinaryong manlalaro. Pero kahit na kailanman ay maaring hindi nila mahawakan ang ganitong klase ng kagamitan ay palagian itong laman ng kanilang mga usapan.