Bilang ang tagapagtatag ng pagdiriwang na ito ay mawawalan naman yata ng dangal si Lou Guanning kapag nagpatuloy sa harapan niya ang kaguluhang ito. Pero matapos lamang ang ilang mga sandali ay sinapak nina Ye Xiu, at Tang Rou sa mukha ang binatang nanghamon sa kanila.
Ito ang dahilan kung bakit nawalan ng pagkakataon si Lou Guanning na magsalita. Gayunpaman, para hayaan na lamang na makatakas si Young Master Lu ng ganiyan kadali ay hindi ba't mawawalan siya ng kredibilidad sa mga mata ng mga bisitang nandirito?
Makakatakas na sana si Young Master Lu matapos niyang makita na wala nang taong may pakialam sa kaniya, pero hindi niya inaasahang may makakahuli pala sa kaniya. At saka, dahil masyadong importante para kay Young Master Lu ang kaniyang imahe sa mga bisitang nandirito ay huminto siya.