Dalawang hindi na aktibong propesyonal na manlalaro ang naglalaban sa laban na mas mahirap maintindihan kumpara sa kung anong nakikita sa Alyansa. Sa isang saglit, hindi malaman ni Lou Guanning. Hindi bihira para sa Berserker na makipagpalit ng health, pero talagang hindi propesyonal ang paraan ng maladiyos na ito. Walang tatayo lang doon at hahayaan ang kalaban na maisahan sila para mapalaki ang kanilang damage. Ang tamang paraan ay noong ginamit ni Ye Xiu kanina ang Colliding Stab. Kalkulado ito at may layunin. Mula sa pang matagalang pananaw, magagawang punan ng palitan ng health ang nawala lalo na sa pang 1v1.