Base sa bilis ng kamay ng propesyonal na manlalaro, hindi na problema para magtype ng mabilis sa masasabi ng isa. Ngunit, hindi pwedeng maistorbo magtype si Ye Xiu. Hindi dahil sa mabagal siya, pero dahill sa nagaalala siya na hindi mapapansin ni Steamed Bun ang kanyang mga mensahe. Bilang resulta, nagtanong rin siya habang tinataasan ang kanyang boses. "Anong ikinagugulat mo?"
"Wala na sila!" Agad na sinagot ni Steamed Bun na may parehas n amalakas na boses.
"Invisible Cloak hindi ba? Magingat ka!" Sigaw ni Ye Xiu.
"Naintindihan ko." Malakas at malinaw ang boses ni Steamed Bun.
"Kailangan niyo pa bang magusap ng ganito?" Napahampas si Chen Guo.
"Masyadong malakas ang hangin, hindi naming marinig kung malakas ba. Huwag kang sumigaw." Mabilis na pagpapaliwanag ni Steamed Bun.