Habang bumabagsak ang mga salita ni Xiao Shiqin, hindi maiwasan na magkatitigan sa isa't isa si Cui Li at Chen Yehui. Hindi tanga ang dalawang ito at agad naintindihan ang rason sa likod ng mga pagkakaayos ni Xiao Shiqin. Kasabay nito na napagtanto rin nila ang mga pagkakamali sa pamamaraan na ginamit nila dati kay Ye Qiu. Gusto nilang palaging pabagsakin siya ng isang galaw lang.
Katulad ng kung paano nila gustong makipagkumpetensya kay Ye Qiu at sirain ang kanilang mga plano. Kailangan bai yon? Narinig ang mga salita ni Xiao Shiqin, parehas nilang napagtanto ito. Hindi na nila kailangan na mamuhunan ng madaming oras at lakas. Nagbago ang kanilang mga ekspresyon na tinanggap ni Xiao Shiqin. Pero dinagdag pa rin niya ang paggalang. "Anong tunog ng aking suhestiyon?"
"Ayos ito." Unang tumango si Cui Li bago sabihin kay Chen Yehui. "Guild Leader Chen, maaari mo bang magawa ang mga bagay sa panig mo?"