Alam kung anong padating, mas naging madali ang kanilang paggalaw at mas desidido kumpara sa mga nakaraang pagsubok. Matapos ang mabilis na paglinis sa apat na sunod sunod na pagtambang, nakarating na naman silang sampu sa bakuran. Pinatay nila ang mga tutulong, narinig nila ang pagsigaw ng tulong ng Snow Eagle at nakita na tamad na naglakad palabas ang Vice Chief Brown Bear katulad ng dati.
Ngayon naman mabibigyan pa ba sila ng pagkakataon na unang sumugod? Syempre hindi. Hindi man lang nawalis ng Snow Eagle ang kanyang walis noong isang 'klang klang' ang tumunog sa pagbaba ng dalawang apoy sa kanyang paanan.
Hindi naman tanga ang mga boss. Noong makita ito, hindi na sinubukan pang ilabas ni Snow Eagle ang kanyang walis at sinubukang tumakbo. Hindi pa man siya nakakahakbang ng tatlo noong tumama ang pabagsak na Heat-Seeking Missiles. Na gumawa ng malakabuteng ulap. Sa kanyang pagabot sa walang kupas na linya, napasabog si Snow Eagle sa bubungan.