Muling nagtipon ang mga Club Guild Leaders pero ngayon nilabas lang nila ang kanilang mga hinaing. Wala silang paraan para maresolba ang problema. Nasa dungeon ang team ng Happy. Maliban sa System mismo, sinong makakapigil sa pagsakop nila sa dungeon? Sa unang oras, napatay na ang unang boss. Paano pa kaya sa ika-dalawang oras mamaya? Pangatlo? Pangapat… Kung magpatuloy ito ng walang gumugulo, talagang magiging araw ng pagdiriwang ngayon ng Happy. Ito ang pinakaabalang gabi ng taon. Sinong nakakaalam kung gaano karaming mga tao ang makakaalala sa pangalan ng Happy?
Selos at inggit!
Nginit ngit ng mga guild leaders ang kanilang ipin. Ayon sa nakaraang mga balita, noong maianunsyo ang record ng First Kill at lumabas ang abiso ng pagsali. Agad na narating ng Guild Happy at ng kanilang kasamahan na Guild Everlasting ang hangganan ng application para maging miyembro ng guild.