Sa wakas ay tumumba na si Heavenly Rage. Sa kasagsagan ng kaniyang pagpupursigi ay nagawa niyang lapatan ng kaunting pinsala si Lord Grim. Pero ang pinakapangunahing dahilan kung bakit naging masaya siya ay dahil sa nakita niya na nagtagumpay siya sa kaniyang hangarin.
Uminom ng Mana Potion si Lord Grim sa labanang ito, at ang uri ng Mana Potion na kaniyang ininom ay ang pinakamalakas na Mana Potion, at dahil dito ay nagawa niyang maibalik ang mga 20% ng kaniyang Mana.
Pero sa mga sandaling nadurog na ni Lord Grim si Heavenly Rage ay tanging 25% na lamang ng kaniyang Mana ang natitira.
Sa mga sandaling ito ay namalayan na rin sa wakas ng mga manlalaro ng Team Everlasting ang kahinaang ito ni Lord Grim tungkol sa Mana. Namalayan rin nila sa laban na ito na masyadong mataas pala ang konsumo ni Lord Grim sa Mana.