Tumumba si Leopold.
Sa mga sandaling ito ay ramdam ng mga manonood na para bang sila ay nagising mula sa isang panaginip. Matapos nito'y nainis, at nagalit sila sa kanilang sarili dahil hinayaan nilang mamangha sila dahil sa ginawa ng isang manlalarong nangako silang kanilang kamumuhian.
Para sa mga manlalarong gustong makita ang pagbagsak ng Team Happy ay masyadong nakakahiya ito para sa kanila.
Sa mga panahong nakita ng manlalarong nasa likod ng Warlock na si Leopold ang pagtumba ng kaniyang karakter ay hindi naman talaga siya nagulantang. Sa totoo lang ay naguluhan siya.
Bigla niyang naramdaman na para bang siya'y naging isang malaking katatawanan sa mga sandaling nalapitan siya ni Lord Grim. Naging parang isang sandbag ang kaniyang Leopold na ang tanging dahilan lamang kung bakit siya'y nabubuhay ay para mabugbog.