Naging maganda ang panahon sa Sabado, at binigyan ng Excellent Era ang kanilang mga manlalaro ng pagkakataong makapagpahinga.
Ito ay isang tradisyon na matagal nang nakaukit sa kasaysayan ng Professional League. Bawat araw pagkatapos ng isang opisyal na labanan ay isang araw ng pamamahinga. Pero ngayong naglalaro sila sa Challenger League, ang mga araw na kung saan naglalaro dapat sila ay naging araw ng pahinga.
Iyong mga sanay na sa Professional League ay naging kakaiba ang pakiramdam dahil sa pagbabagong ito. Pero hindi lang ang mga manlalaro ang hindi pa sanay sa pagbabagong ito. Pati na ang tagapamahala nila na si Cui Li ay naguluhan rin sa mga sandaling nagising siya sa araw na ito.
Dahil hindi alam ni Cui Li kung ano ang kaniyang gagawin ay naglakad-lakad na muna siya sa labas.