Team Everlasting.
Ang Team Everlasting ay naging isang propesyonal na Team noong ika-limang season ng Glory Professional Alliance. Tatlong taon silang nanatili sa Glory Professional League bago sila bumagsak sa Challenger League.
Sa tatlong taon nilang pamamalagi sa Glory Professional Alliance ay tanging 15th lamang ang pinakamataas na ranggo ang nakuha nila, kaya noong una pa lamang ay hindi naman talaga sila itinuring na isang malakas na Team.
Pero kapag sila ay nasa Challenger League. Sapat na ang kanilang lakas para talunin nila ang lahat. Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan sa mga tagumpay na nakakamit dito sa Challenger League ay gawa ng isang bumagsak na propesyonal na Team.
Kahit na wala silang manlalarong maituturing na isang mala-Diyos na manlalaro sa kanilang Team ay maituturing pa rin silang mga propesyonal na manlalaro, dahil namalagi rin naman kasi sila ng ilang mga taon sa Alliance.