Sa ilalim ng ganitong klase ng pag-eensayo ay para bang naging isang magandang bakasyon ang paglalakbay para pumatay ng mga wild BOSS. Araw-araw na isinasagawa ng mga manlalaro ng Team Happy ang pag-eensayong ito.
Bukod sa kadalasang naiinis na sigaw ni Steamed Bun ay walang kahit na sino ang nagreklamo. At tungkol naman sa mga sigaw ni Steamed Bun ay walang sumeryoso sa kaniyang mga reklamo.
Sa loob lamang ng ilang mga sandali ay lumipas na ang isang linggo. Bukod sa mga programang inilaan nila Ye Xiu, at Wei Chen sa lahat ay nagawa rin nilang dalawa na gumawa ng mga programang para sa mga manlalarong may partikular na class.
Gayunpaman, natagalan silang gawin ito dahil kinakailangang mas maging detalyado ang mga ganoong klase ng programa. At saka, dahil iba-iba rin ang laman nito depende sa kung ano ang class ng manlalarong makikilahok sa programa ay natagalan sila.